UPM-campaign against child labor

Blog

MURANG KAISIPAN, MULAT NA KATOTOHANAN

Posted by upm-childlabor on May 15, 2009 at 8:11 AM

Ang mga kabataang mang-gagawa ay salamin ng kahirapan ng ating bansa. Ayon nga kay gat. Jose Rizal, Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit paano sila magiging pag-asa ng bayan, kung ang pag-asa nilang maka-ahon sa kahirapan ay unti-unting napupukaw ng kadiliman. Sino nga ba ng dapat sisihin sa dinaranas ng karamihan sa mga batang napipilitang maghanap-buhay upang labanan ang kahirapan, at mairaos ang kalam ng sikmura? Ang gobyerno, na hindi nagbibigay pansin sa mga ganitong usapin o ang mga magulang na hinahayaang mag-trabaho ang kanilang mga anak upang iwasan ang gutom ng kanilang mga tiyan?




Noong nakaraang araw (Mayo, 6,2009). Ako at ang aking mga kamag-aral ay nagtungo sa BATASAN o sa KONGRESO (HOUSE of REPRESENTATIVES). Sa labas ng malaki at magarang gusali ng mga kongresista ay mayroong isang maliit na grupo ng mga mang-gagawa, magsasaka (peasants) ang nagtitipon-tipon upang kalampagin ang kongreso na maisa-batas ang house bill 3059 o ang GARB. Ang isyu na ito ay nagsasanga sa tuni-tuniladang problema ng atong bansa.




Ang isyu sa child labor ay isang malawak na usapin. Ang unang dapat talakayin ay ang dahilan o sanhi ng paghahanap-buhay ng mga bata na wala pa sa hustong gulang. Pangalawa, ay ang hakbang na dapat gawin ng pamahalaan upang ito ay matigil o kahit maiwasan man lamang. Pangatlo, ay ang pagbibigay ng hustong edukasyon para sa mga pag-asa ng ating bayan, hindi bilang isang prebelehiyo ngunit bahagi ng kanilang karapatan bilang mamayang Pilipino.




Aming nakapanayam si Marco labin-tatlong taong gulang, pangalawa sa anim na magkakapatid. Sa kabila ng kanyang kamus-musan ay naghahanap-buhay na siya upang makatulong sa kaniyang mga magulang. Si Marco ay nasa ika-limang baiting pa lamang (grade 5). Kung ang gagawing basehan ay ang kaniyang edad, si marco ay huli na sa pa-aaral. Kadalasan, ang ganoong gulang ay nasa high school na. ngunit, dahil sa kailangang tulungan ang kaniyang mga magulang upang maitaguyod ang kanilang pamilya may mga pagkakataon na humihinto siya sa pag-aaral. Sila ay nakatira sa Brgy. San Rafael Sitio Montalban Rizal, ito ang kabundukan sa likod ng mayamang lupain ng siyudad na quezon (quezon city). Ang tawag sakanila ay ?APLAN FARMERS? na kung saan sila ay nakatira sa paanan ng bundok at naghahanap-buhay sa pamamagitan ng pagbaba o pag-akyat ng kahit anong kagamitan o bagay ng mula sa kabundukan papunta sa kapatagan o kaya naman ay mula sa paanan ng bundok. Ang ilan sa mga halimbawa ay mga malalaking bato, sako ng uling, mga kahoy at iba pa. SIla ay nakakatanggap ng dalawampung piso lamang, kapalit ang isang baba/panik ng mga bagay. Nakaka-limang balik siya sa bundok kaya?t nagagawa niyang kumita ng isandaang piso sa isang araw. Pagka-galing sa paaralan ay sinusuong na niya ang bundok upang maghanap-buhay. Hindi na siya naglalaro, o gumagawa ng takdang aralin. Ang paglalaro ay karapatan ng mga bata, hindi lamang para maging kumpleto ang kanilang kamusmusan, ngunit ayon sa mga psychologist ang paglalaro ay tumutulong sa paghubog ng  isang bata.




Sa murang edad ni Marco, bakas sa kaniyang katawan ang maagang pagkakahulma ng kaniyang masel dahilan sa mabigat na gawain. Naka-guhit na sa kaniyang mga palad ang bigat ng pasanin sa buhay. Sa kabuan, kung papalarin ay kumikita lamang ng tatlong-daan piso sa isang araw ang pamilya ni marco, ngunit ang halagang ito ay sapat lamang para sa isang araw. Sapat lamang upang magkaroon ng lamang-tiyan ang walong ka-tao sa kanilang sambahayan. Ngunit ang isang payak na pamilya ay hindi lamang sa pag-kain nabubuhay, may mga bayarin pang dapat na bayaran, at salaping huhugutin kung sakaling mayroong dapuan ng sakit o masalanta ng anumang kalamidad. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng bigat ng trabaho at pahamak na sinusuong ni Marco sa bawat panik-panaog niya sa kabundukan ay yaon lamang ang natatanggap niyang salapi. Mapapa-isip ka talaga na totoo bang may hustisya? Bakit ang ilan na nagpapakasasa sa loob ng kanilang mga tahanan ay patuloy na nakakamal ng salapi, habang ang mga mang-gagawa na tulad ni Marco ay kumikita ng kapiranggot sa kabila ng galun-galong pawis na kanilang ibinubuhos. Hindi pa nakapangingilabot na sa kabila ng murang kaisipan ni Marco ay mulat na ang kaniyang mga mata sa kahirapan ant kawalang pag-asa na maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya?




May dapat bang sisihin sa pangyayari sa buhai ni marco at sa mga milyung-milyong bata na tulad niya? Ano ba ang pagkukulang ng mga magulang sa kanilang mga anak? Naniniwala akong walang matinong ina, na magnanais na maghirap ang kaniyang mga anak. Kung hindi lamang sila magigipit sa kahirapan, at sa kagustuhang malampasan ang kumakalam na sikmura, hindi rin nila hahayaang magkaganoon ang kani-kanilang mga anak. Dito ko nakita na ang mayayaman ay patuloy na yumayaman at ang mahihirap ay patuloy na naghihirap.




Naka-aalarma din na ang mga health center sa kanilang lugar ay hindi nagseserbisyo ng libre. Ano ang ginagawa ng pamahalaan sa mga naka-atas na mangalaga sa kalusugan ng sambayanang Pilipino? Ang mga nanumpa na paglilingkuran ang bayan? Anong uri ng sistema ang gumuguko sa lipunang ito? Paano makaka-ahon sa kahirapan ang baying ito kung ang mga kabataang ating aasahan para sa magandang bukas, ay unti-unting namamatayan ng liwanag tungo sa mandang kinabukasan?

-UPM moderator

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

19 Comments

Reply ana mercado
10:02 AM on May 17, 2009 
nakaka-awa naman sila.. wala manlang tulong na ibibigay ang pamahalaan. saan napupunta ang mga taxes natin?
Reply venard
10:11 AM on May 17, 2009 
uhmm masasabi ko lng, si roxan klasmeyt ko yan, lalang sabi nia commnt daw aq ng kahit anu eh, hahahhaha! see u soon! tc =p kawawa nmn sila roxan nu? hahahaha! dapat nppnta sa tama ung mga bnbyad nten taxes ,, aun haha
Reply mina
10:16 AM on May 17, 2009 
dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang ganitong mga isyu.
Reply lyn
10:16 AM on May 17, 2009 
nawa'y mabigyang pansin ang issue n ito.
Reply anonymous
10:47 AM on May 17, 2009 
responsibiLidad ng government ang mga mamamayan ng bansa : responsibilidad ng mga maguLang ang kani-kaniLang mga pamiLya

gov't ang kaiLangang gumawa ng move para maayos ang issue na 'to.
Reply A.R.
11:00 AM on May 17, 2009 
tinutulungan naman sila ng government e, tuwing election nga lang. at masaklap pa dun e ginagamit pa sila sa pangangampanya ng mga pulitiko, sinasamantala yung kahirapan nila para makapagpayaman yung mga pulitiko na yan.

kawawang marco, kawawang Pilipinas
Reply shift
11:47 AM on May 17, 2009 
pra sakin.. minsan ksalanan narin yan ng mga taong nasisilaw sa kakarampot na ibabayad sa kanila para iboto ang hindi naman karapat dapat umupo sa position..

yun ang isa sa mga nakita kong dahilan bakit andun ngayon yung mga taong gahaman
at makasarili.. siguro nga hindi natin kilala ng buo yung mga taong iboboto natin
pero kahit papaano siguro naman mapapnsin natin sa pag tingin palang sa isang kandidato kung dapat nga ba siya o hindi

siguro mas maganda na wag muna natin isisi sa gobyenro ang problema
siguro dapat tignan muna natin ang paligid.
malamang isa pa kayo sa nagkamali ng pag pili

*wag sana kayo magalit sariling opinion ko lang po ito*

shift a.k.a NULL
Reply Rudolf
11:59 AM on May 17, 2009 
Pag-asa ng bayan ang kabataan kung sila'y bibigyan ng pag-asang makamit ang mga pangarap nila.
Reply WHY
12:22 PM on May 17, 2009 
www.youtube.com/watch?v=A_hp2ubJaNo
Reply ayngayares
8:28 AM on May 18, 2009 
I think, one of the major causes of Child Labor always goes unnoticed. As I read in the article, and the other ones with child profiles, more often than not, these children come from big families who cant cope with the needs of the family--let alone that mothers need to stay home to take care of the youngest. I think, that inasmuch as government action is important, the more profound problem is a young generation who are ignorant about responsibility and taking charge even of their own lives. The worst case scenario, given this trend, is that we'll only learn when most of the population has been child laborers themselves to understand. Yeah, It's multifaceted. This is why for one, I support the RH bill, but I think hope for the less fortunate and eagerness to overcome the current situation is vital. How does comes about... well, Probably we already are doing many things--we dont lack initiative. But maybe we need more targetting and direction. I think here is where we need the government most.
Reply anne
9:19 AM on May 18, 2009 
I also pity children who have to carry an adult's burden at a very young age. I do sometimes feel the guilt of having an easy life without exerting as much effort as these youmgsters do. The government must pay extra attention to diminish or at least lessen child labor instead of focusing on nonsense projects. Anti-Poverty Programs, Family Planning and Awareness, and Good Educational System are some of the unlimited ways to help save a child from harsh labors. Ensuring that all children are well taken care of by their parents and with the aid of a RESPONSIBLE government is the key to our country's progress in preventing these abuses. :)
Reply anne
9:21 AM on May 18, 2009 
I also pity children who have to carry an adult's burden at a very young age. I do sometimes feel the guilt of having an easy life without exerting as much effort as these youngsters do. The government must pay extra attention to diminish or at least lessen child labor instead of focusing on nonsense projects. Anti-Poverty Programs, Family Planning and Awareness, and Good Educational System are some of the unlimited ways to help save a child from harsh labors. Ensuring that all children are well taken care of by their parents and with the aid of a RESPONSIBLE government is the key to our country's progress in preventing these abuses.
Reply upm-childlabor
9:42 AM on May 18, 2009 
shift says...
pra sakin.. minsan ksalanan narin yan ng mga taong nasisilaw sa kakarampot na ibabayad sa kanila para iboto ang hindi naman karapat dapat umupo sa position..

yun ang isa sa mga nakita kong dahilan bakit andun ngayon yung mga taong gahaman
at makasarili.. siguro nga hindi natin kilala ng buo yung mga taong iboboto natin
pero kahit papaano siguro naman mapapnsin natin sa pag tingin palang sa isang kandidato kung dapat nga ba siya o hindi

siguro mas maganda na wag muna natin isisi sa gobyenro ang problema
siguro dapat tignan muna natin ang paligid.
malamang isa pa kayo sa nagkamali ng pag pili

*wag sana kayo magalit sariling opinion ko lang po ito*

shift a.k.a NULL



wala namang masamang opinion. kung yan ang saloobin mo, ginagalang namin iyan. :)
Reply santa
11:31 AM on May 18, 2009 
ahm. tingin ko malaki talaga ang kakulangan ng gobyerno sa mga batang katulad ni Marco. bakit ba nakatuon ang gobyerno sa mga proyekto na hindi naman gaanong makakatulong sa pag-unlad ng bayan? :(

sana naman simulan na talaga ng gobyerno ang paggalaw upang mabawasan na ang child labor sa Pilipinas. 'magtulungan tayo!' -- HAHA. sana nga:)
Reply bettina fernandez
12:50 PM on May 18, 2009 
Isang malaking hamon sa atin ang ganitong klaseng suliraning panlipunan. Tamang malaki ang responsibilidad ng gobyerno para masolusyunan ang problemang ito, ngunit hindi lamang sila ang dapat sisihin sa paglala ng pangangalakal ng mga paslit. Bawat isa sa atin ay may magagawa para maisalba ang mga bata sa lipunang lumalapastangan sa kanilang kamusmusan. Subukan nating sumali sa mga outreach programs ng simbahan o ng ibang organisasyon, na siyang nagtuturo sa mga bata at siya ring nagtuturo ng iba't ibang hanapbuhay na mapapagkakitaan ng kanilang mga magulang. Pati ang mga kasambahay, huwag na tayong kumuha ng mga wala pa sa tamang edad. At maaari rin nating isuplong sa DSWD kung mayroon man tayong nakikitang paglalapastangan sa mga batang tulad ni Marco, para ang ahensya na mismo ang gagawa ng paraan. Lahat ng bagay ay may solusyon. Ang dapat na itanong sa bawat isa sa atin ay, "Ano ba mismo ang magagawa ko para matapos ang pangangalakal ng mga bata?"

---
masyado akong seryoso, k? :))
Reply roxan
10:25 AM on May 19, 2009 
para sa kaalaman ng nakararami :) si marco ay nagtratrabaho ng hindi labag sa kaniyang kalooban. marahil nga ay handa na siyang labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng paghahanap-buhay. Ngunit, ano ang alam ng ganitong paslit sa kaniyang karapatan? kahit na "na-dedeprive" sakaniya ito, mas gugustuhin niyang maghanapbuhay, kaysa kumalam ang kaniyang sikmura. Hindi siya biktima ng kamang-mangan. Biktima siya ng BULOK NA SISTEMA ng lipunan. Biktima siya ng KAPITALISMO umiiral sa bansa.
Reply ces
9:27 AM on January 29, 2011 
slmat po dito. may na'contribute ka para sa aking term paper..
Reply jean santos
3:04 AM on January 31, 2011 
ana mercado says...
nakaka-awa naman sila.. wala manlang tulong na ibibigay ang pamahalaan. saan napupunta ang mga taxes natin?
Reply Al
10:36 PM on February 3, 2012 
ang child labor ay dulot ng kapabayaan ng kanilang mga magulang..

Recent Blog Entries

by erny | 0 comments
Page_white_text
by upm-childlabor | 2 comments
by upm-childlabor | 8 comments
by upm-childlabor | 19 comments

Recent Forum Posts

by upm-childlabor over a year ago
by upm-childlabor over a year ago

Webs Counter

Share on Facebook

Share on Facebook